NAGSISIMULA pa lang kumanta si Golden Cañedo bilang isang contender sa katatapos na The Clash, ang intense singing contest sa GMA Network, ay marami na ang nakapansin na ang 16-year-old representative ng Cebu ay may hawig kay Pop Princess Sarah Geronimo.

Golden copy

Habang patuloy na napapanood si Golden sa show ay lalo ring napapansin ang pagkakahawig niya kay Sarah, pero hindi lamang iyon, dahil kahit ang singing prowess niya ay parang kahalintulad ng kay Sarah.

Kaya nang siya ang tanghaling first The Clash Grand Champion, iba’t ibang pagbati ang tinanggap ni Golden mula sa mga netizens:

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sabi ni @shennetteo.cruz: “Proud ako syo magaling k naman nakikita k syo c sarah g nung start sya... so sana kung ano man narating ni sarah sana ganun k dn basta palagi lang humble gurl malayo mararating mo...”

Ayon naman kay @ednamacatangay: “Sarah G ang dating... She looks like sarah when sarah won sa star of d night. Congrats Golden... D next star of GMA 7”.

Ani @elena_masuda: “New Sarah G habang pinapanood ko syang kumanta yung mukha nya Sarah G talaga habang pinapanood ko naalaala ko yung panahon ni S.G. naisip ko baka ito manalo at nagkatotoo nga. Congrats!”

Komento ni @eleanorbmusni: “Swerte ng GMA naka discover na naman ng gold in d person of Golden Canedo. This girl is so promising ... watch out for her.”

Sa interview namin noon kay Golden, dream daw niyang hindi lang maging singer, gusto rin daw niyang maging artista. Mukhang ang The Clash nga ang magbubukas ng katuparan ng kanyang pangarap.

Si Sarah ay nanalo sa Star of the Night na si Regine Velasquez din ang host, na ipinalabas sa Channel 13. Sa GMA din nagsimula si Sarah sa isang noontime Sunday show hanggang sa inilipat siya ng Viva Entertainment sa ABS-CBN.

-Nora V. Calderon