SA usapin pa rin sa panloloko kay Kris Aquino, lilinawin lang namin na hindi parte ng Cornerstone Entertainment ang nasabing tao na nagkamaling pagkatiwalaan ni Kris.

Marami kasing nagsasabing tauhan ni Erickson Raymundo, presidente at CEO ng Cornerstone Entertainment ang taong ito. Hindi po.

Ang taong gumawa ng hindi maganda kay Kris ay business manager niya sa digital platform, o ang humaharap sa lahat ng business deals/brand partners para mapanood sa webisodes na nasa social media, bukod pa sa pagiging finance guru nito.

Si Erickson naman ang manager ni Kris sa non-digital platform, o sa mga deal ni Kris sa pelikula at TV shows.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Nagulat pa nga si Erickson nang mabasa niya ang lahat ng posts ni Kris, dahil hindi raw niya naisip na mangyayari ito. Wish ng Cornerstone honcho na sana ay maayos na ang lahat, nang maging okay na rin ang kalusugan ni Kris.

May isa pang pangalang nabanggit na nanloko rin kay Kris sa usaping pera, na gusto rin naming iklaro—hindi po kasama sa KCAP ang taong ito, at hindi na po sila magkatrabaho kaya huwag na pong isali.

-Reggee Bonoan