MAY mga naiyak na Kapuso viewers sa tweet ni Regine Velasquez-Alcasid after ng The Clash.
“Thank you everyone for watching #TheClash I had a wonderful time working with everybody, thank you to my GMA Family,” tweet ni Regine.
Ang dating kasi ay parang nagpaalam na si Regine sa Kapuso viewers.
Kahit hindi pa kinukumpirma ni Regine, o kahit si Ogie Alcasid, ang tanong kung susundan na ni Songbird ang mister sa ABS-CBN, alam na sa buong industriya na iiwan na nga ni Regine ang GMA Network, at lilipat siya sa ABS-CBN.
Siguro, pagbalik nina Regine at Ogie from their US Tour sa second week ng October ay saka i-a-announce ni Regine na lilipat na siya sa ABS-CBN.
May mga umasa pa namang mananatili sa GMA si Regine dahil sa sinabi sa finale ng The Clash na “See you next year.”Ang pagkakaroon pala ng Season 2 ng nasabing singing competition ay hindi nangangahulugang mananatili rin siyang host nito.
Ang sabi, three shows agad ang nakalatag na gagawin ni Regine sa ABS-CBN, at tiyak na madadagdagan pa. Binanggit sa amin ang ilang shows na gagawin ni Regine, pero para kumpirmado, hayaan nating si Regine at ang ABS-CBN ang mag-announce nito.
-Nitz Miralles