PANGUNGUNAHAN ni University of the Philippines Ricci Rivero ang Philippine Team na sasabak sa 2018 Fiba 3x3 Under-23 World Cup sa Oktubre 3-7.

Makakasama ni Rivero sa koponan sina juniors players Rhayyan Amsali, RJ Abarrientos at dating University of Santo Tomas player Jeepy Faundo sa torneo na gaganapin sa Xi’an, China.

Hindi na bago kay Rivero, may one-year residency period sa UP, sa international tournament matapos maging bahagi ng RP team sa Fiba 3x3 Under-18 World Championships inoong 2015.

Batikan na rin si Amsali sa 3x3 matapos maging bahagi ng National team sa Fiba Under-18 3x3 World Cup sa Chengdu, China noong 2017. Kasalukuyan siyang naglalaro sa San Beda matapos lisanin ang National University.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabilang naman si Abarrientos, pamangkin ni PBA great Johnny Abarrientos, sa mga sumisibol na talent bilang miyembro ng Far Eastern University junior team., habang si Facundo ay naglalaro sa Bataan Risers sa MPBL.

Si dating PBA star Ronnie Magsanoc ang 3x3 national program head ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Ang Pilipinas ay seeded No. 19 sa 20 koponan na sasabak sa kompetisyon at kabilang sa Pool C na kinabibilangan ng top-seed Serbia, No. 5 Slovenia, No. 8 China at No. 17 Turkeminstan.