SOBRANGnakaka-relate si Carla Abellana sa bago niyang show sa GMA-7 na Pamilya Roces. Tungkol ito sa isang ama na may tatlong pamilya. Ganito rin daw kasi ang pamilya ni Carla.

“Ang Dad ko (Rey Abellana), may three families din. Kami ang una, may second family siya at may third family pa nga.

“Ang kaibahan lang naming (sa serye), in real life, kasundo ko ang half-siblings ko. Unlike rito sa Pamilya Roces na magkakaaway kami, o inaaway ko sila. Kaya hindi na mahirap sa akin na gampanan ang role ni Crystal Roces,” paunang kuwento ni Carla.

Inisa-isa pang banggitin ni Carla ang pangalan ng mga kapatid niya kay Rey. At kung tama ang dinig ko, pito na silang magkakapatid lahat.

Tsika at Intriga

'Comedy Queen' title kay Eugene Domingo, umani ng reaksiyon

Dalawa silang anak ni Rey sa mom niyang si Rhea Reyes.

Matagal na walang regular soap sa GMA-7 si Carla, pero worth it ang ipinaghintay niya dahil maganda ang Pamilya Roces, isang dramedy at gusto niya ang role niyang istrikto, suplada, at walang time sa kanyang mister.

“First time kong magbida-kontrabida, at first time kong magpaiyak, dahil sa past shows ako, ako ang pinaiiyak. Ginawa kong peg si Meryl Streep sa movie na The Devil Wears Prada. Masaya at masarap gawin ang bida-kontrabida role,” patuloy ni Carla.

Samantala, kinumusta kay Carla ang boyfriend niyang si Tom Rodriguez, at ang kasunod na tanong ay kung kailan sila pakakasal?

“Wala pang proposal, hintayin muna nating mag-propose si Tom. Four years na ang relationship namin. At nape-pressure na nga ako dahil sa barkada namin, ako na lang ang single. Ang college friends ko, lahat sila, they are raising their own familes na.

“Pero, hindi naman kami nagmamadali, nag-iipon pa kami at hintayin natin ang proposal ni Tom,” pagtatapos ni Carla.

Anyway, sa October 8 na ang pilot ng Pamilya Roces after Onanay, at si Joel Lamangan ang direktor ng masaya at nakatutuwang dramedy.

-NITZ MIRALLES