NAPANATILI ng defending champion National University at University of the Philippines ang malinis na karta sa impresibong panalo sa UAAP Season 81 badminton tournament nitong weekend sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Ginapi ng five-peat seeking Bulldogs ang Adamson University, 3-2, para sundan ang matikas na 4-1 panalo sa De La Salle at hiilahin ang winning run sa 38 ties.

Nagwagi naman ang Fighting Maroons sa University of Santo Tomas, 3-2, bago winalis ang University of the East, 5-0, para manatiling co-leader sa torneo.

Magkasosyo ang NU at UP na may 3-0 karta. Maghihiwalay ng landas ang last season’s Finals protagonists sa kanilang pagtututos sa Martes ganap na 8:00 ng umaga sa Rizal Memorial venue.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nakuha ng Ateneo ang solo third sa 2-1 karta matapos maungusan ang La Salle, 3-2.

Sa women’s division, giniba ng UP ang NU, 3-2, para makisosyo sa lider na Ateneo na may parehong 2-0.

Umusad ang titleholder De La Salle sa solo third nang dominahin ang Adamson University, 5-0,habang pumasok sa win column ang UST nang pataubin ang UE, 5-0.