Pinangunahan nina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Carlito Galvez Jr. at Admiral Philip Davidson, chief ng U.S. Indo- Pacific Command, nitong Huwebes ang 2018 Mutual Defense Board and Security Engagement Board (MDB-SEB) meeting kung saan nagkasundo sila na magtutulungan sa seguridad hanggang sa 2019.

Sinabi ni Galvez na ang pagpupulong nila ni Davidson, ginanap sa Tejeros Hall, AFP Commissioned Officers Club in Camp Aguinaldo, Quezon City, ay magtitiyak ng patuloy na malakas na relasyon ng mga militar ng Pilipinas at United States sa pagkakasundo ng magkabilang panig na magsagawa ng 281 security cooperation activities para sa 2019, mas marami kaysa ngayong 2018.

“We have been doing this year after year and yet there is still so much left to learn. We hope that this year would be another fruitful interaction that will lead to favorable outcome. May our discussions lead to actions, and may these actions thereby lead us to success,” ani Galvez.

Sinabi niya na kapwa inaasahan ng Pilipinas at ng U.S. ang pagpapatuloy ng mahigpit na kooperasyon sa mga larangan na mahalaga sa interes ng bansa at seguridad, kabilang ang counterterrorism, maritime security, cyber security, humanitarian assistance at disaster relief.

Politics

'Tropang angat' De Lima, Robredo, Hontiveros, reunited sa isang kasalan!

Itinatag ang MDB noong 1958 at inistablisa ang SEB noong 2006. Ang dalawang boards ang bumubuo sa taunang MDB-SEB meeting, na nagsasaayos sa framework para sa defense at security cooperation ng mga militar ng Pilipinas at Amerika.

-Francis Wakefield