SUMIKLAB na ang aksyon sa Arceegee X PYD Tatluhan Showcase nitong Sept. 22-23 na kung saan namayani ang Nino Jesus House of Studies sa Manila leg at nanaig ang Titan 8 sa Quezon Province stop.
Winalis ng NJHS ang Team Oflear sa finals upang tanghaling kauna-unahang kampeon sa four-part 3-on-3 competition na itinataguyod ng Pinoy Youth Dreamers (PYD) sa pakikipagtulungan ng Arceegee Sportswear.
Nagsanib pwersa sina sina Jan Daniel Geronimo, KD Prolles, Juncel Nudo at Jhunerits Martin upang masungkit ng NJHS ang kampeonato sa torneo na nilahukan ng higit 20 teams.
Si Geronimo din ang nahirang na Most Valuable Player.
Si Rinbert Galarde ng Arceegee ay nagbigay ng inspirational remarks sa opening ceremony, na dinaluhan din ni PYD president Beaujing Acot.
Sa Quezon Province leg nung Sept. 23, wagi naman ang Titan 8 sa team tournament at Ameer Nikko Aguilar bilang MVP.
Sina Chicoy Capistrano ng Batis Aramin Hotel at Resort at Vino Veluz ng Buddy’s Pancit Lucban ang naging punong abala sa sagupaan.
May natitira pang dalawang legs sa schedule:
Bulacan leg- Venue: Villa Desta Basketball Covered Court, Brgy. Atlag, Malolos Bulacan, Sept. 29. Contact: Coach Mel Arcena (0906-3564625), Coach Mark Domingo (0915-1231873).
Malabon leg -- Venue: Barangay Tonsuya Basketball Court, Malabon, Oct. 6. Contact: Coach Okkin Cartago (0945-8443086)
Ang overall champion ay magiging kinatawan ng Pilipinas sa Dreamers International 3on3 Basketball Challenge, na nakatalda sa Nov. 2-4,2018 sa Ho Chi Minh, Vietnam.
Sumusuporta din sa Arceegee X PYD Tatluhan Showcase ang Samahang Basketbol ng Pilipinas, Philippine Charity Sweepstakes Office, Smart Communications, Buddy’s Pancit Lucban, Regent Foods, Batis Aramin, Hygienix Alcohol Splash Corp., JAMAN, Hook Up Clothing and Watches, H+Autoworks, Xpress Printing at Barangay San Antonio-Pasig.