NITO lamang ay kinoronahan ang dating sexy actress na si Patricia Javier bilang Mrs. Universe Philippines, at may tips siya para sa mga nagnanais na maging beauty queen din, gaya niya.

Patricia copy

“MY children were so proud sa pagkakapanalo ko bilang Mrs. Universe Finest. Sumali ako sa pageant dahil I want to promote my advocacy on wellness. At sapul pa noon ay gusto kong magkaroon ng beauty title kahit may asawa na ako at dalawang anak,” panimula ng dating seksi star.

May mga tips na ibinahagi si Patricia sa mga gustong sumali sa pageant

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ugaliing mag-exercise na pwedeng gawin kahit nasa loob ng bahay. Mag-akyat manaog ka sa stairs 20 times o kaya’y mag-push up against the wall. Ang una kong ginagawa siyempre ay asikasuhin ang mga pangangailangan ng aking asawa at mga anak. Drink a lot of water. Dapat ay palabasa ka bilang paghahanda sa Q & A portion. At meron kang advocacy.”

Sa December ang Grand Finals ng Mrs. Universe, na lalahukan ng mga kinatawan mula sa sa iba’t ibang bansa, para hirangin ang Mrs. Universe Womans Finest International.

Samantala, may concert si Patricia sa October sa Music Museum.

Happily married si Patricia kay Dr. Rob Walther, isang chiropractor, at mayroon silang dalawang anak na lalaki.

-Remy Umerez