SA huling dalawang linggo ng Inday Will Always Love You (IWALY), ay babaliktad ang mundo. Ang dating nasa ibaba, nasa itaas na ngayon. Ang dating inapi, siya naman ang gaganti.

Barbie Forteza and Derrick Monasterio copy

Nang bumalik ang nanay ni Happylou (Barbie Forteza), ay hindi niya na halos makilala ang ina. Tinulungan si Marta (Manilyn Reynes) ni Martina (Sunshine Dizon), para bawiin lahat ng inagaw sa kanilang pamilya ni Amanda (Gladys Reyes).

Kaya sa pagbabalik ni Marta, maibabalik na rin sa mga Fuentes ang lahat nang nawala sa kanila. Muli na silang titira sa mansyon at balik CEO na si Happylou.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pero ang pinakamalaking pasabog, dahil nawala na ang lahat kay Amanda at patung-patong pa ang utang niya kaya para makabayad ay magiging katulong siya sa mansyon. Lahat ng ginawa niya noon kay Happylou ay ibabalik sa kanya ngayon ni Marta. Mararamdaman niya anong pakiramdam nang maapi. Pero sa huli ay mapagtatanto rin ni Marta na hindi dapat maghari ang galit at paghihiganti sa kanyang puso.

Samantala, mas nagkakaigihan na ba sina Pabs (Ruru Madrid) at si Happylou? O si Patrick (Derrick Monasterio) pa rin ang laman ng puso ni Inday?

Wala nang bibitaw sa huling dalawang linggo ng hit romantic comedy series ng bayan, ang Inday Will Always Love You, gabi-gabi pagkatapos ng Onanay sa GMA Telebabad.