NEW YORK (AFP) — Nagtipon ang mga lider ng mundo sa New York nitong Miyerkules para sikaping muling pasiglahin ang Paris global climate accord, sa gitna ng pag-urong ng ilang nasyon sa mga pangako sa makasaysayang kasunduan.

Inilunsad ni French President Emmanuel Macron ang “One Planet Summit” noong nakaraang taon, sa layuning mapabilis ang implementasyon ng 2015 pact.

“We are not here just to speak, but to be accountable,” sinabi ni Macron sa mga delagado sa Plaza luxury hotel sa New York.

Matapos magbabala noong nakaraang taon na “we are losing the battle” laban sa climate change, nanawagan si Macron sa mga bansa na dagdagan ang pagpopondo para sa climate action.

Internasyonal

Pinakamainit na temperatura ng mundo, posibleng maitala ngayong 2024

Nakasaad sa Paris agreement na magtatayo ang mayayamang bansa ng $100-bilyon fund para tulungan ang mga umuulad na bansa na matugunan ang pag-init ng planeta. Ngunit $10B pa lamang ang nakokolekta.

Mas kakaunti ang mga lider na dumalo sa One Planet Summit ngayong taon, inorganisa ng World Bank at ng UN.

Halos 30 presidents, prime ministers at ministers ang nakatakdang dumalo, kabilang ang Spain, Denmark, Norway, China, gayundin ang maliliit na island nations sa Pacific na ang mga baybayin ay unti-unting kinakain ng dagat.