BINATA na ang bunso ni Kris Aquino na si Bimby, dahil hinahayaan na niya itong manood ng sine nang hindi kasama sa bahay o kaanak ang kasama.

Fifth, Alex, Mikee at Bimby copy

Nag-post si Kris sa Instagram ng litrato ni Bimb kasama si Alex Gonzaga at ang direktor ng bagong pelikula ng aktres na Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka, si Direk Fifth Solomon.

“Madalas sabihin na hindi maaasahan ang sincerity ng mga celebrities. BUT @cathygonzaga has been Bimb’s real friend since 2014 when they worked together for the movie Praybeyt Benjamin.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

“Last night I had lengthy meetings w/ my 2 lead lawyers & their legal teams—but Bimb had an 8 PM movie date in @smaurapremier to support Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka. @celestinegonzaga, direk @paulsoriano1017, @severianoelliott, and @cathygonzaga will remain our lifelong, trusted, and treasured friends,” post pa ni Kris, tinukoy si Alex, ang mag-asawang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano, at anak nilang si Seve.

Tungkol nasawing puso ang kuwento ng pelikula ni Alex, at PG naman ang rating dito ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nito, kaya puwedeng panoorin ni Bimby. Nakasisiguro naman kaming marami na ring napanood na pelikulang love stories ang bunso ni Kris, kaya tiyak na marami na siyang ideya kapag nagkaroon siya ng love life soon.

Going back to Kris, medyo okay na siya ngayon dahil nakakausap na siya ng mga kaibigan niya. Sinabihan na rin siya ng kanyang pamilya na huwag nang masyadong magpa-stress sa taong lumoko sa kanya, at ginamit ang KCAP para sa business transactions.

Kaya pala hindi nawawalan ng sakit si Kris dahil sa sobrang stress. Bukod dito, sobrang nalulungkot siya dahil hindi niya inisip na ang taong sobra niyang pinagkatiwalaan at minahal bilang parte ng kanyang pamilya, ay gumawa ng hindi maganda.

Anyway, humihingi ng panalangin si Kris sa lahat na sana ay maayos kaagad ang problema ng KCAP at managot ang dapat managot. At ipagdasal na rin ang pagbuti ng kalusugan ni Kris.

-REGGEE BONOAN