MULING itataya ng Adamson ang kanilang pamumuno at malinis na marka habang tatangkain namang madagit ng Ateneo ang ikatlong sunod na panalo sa pagsabak nila ngayong hapon sa pagpatuloy ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Unang sasalang ang Blue Eagles ganap na 1:00 ng hapon kontra sa wala pa ring panalong University of the East Red Warriors (0-3) bago ang Falcons na sasagupain naman ang pabulusok na University of the Philippines Fighting Maroons na galing sa back-to-back losses makaraang ipanalo ang laro sa opening day.

Para kay Ateneo coach Tab Baldwin, kailangang laging nakakasa ang ipinagmamalaking depensa ng Blue Eagles dahil tiyak na mahihirapan ang kanilang katunggali na sila’y pabagsakin.

“I thought our defense was the way we wanted to be it. There’s no excuse to not play that way after this,” ani Baldwin. “When we got that defensive effort, we can be a prospectively hard team to beat for the other teams.”

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Ganito rin ang paniniwala ni Falcons coach Franz Pumaren.

-Marivic Awitan