Nais ni Senate President Vicente Sotto III na mapanagot na sa batas ang mga 13-anyos na sangkot sa krimen.

Sa kanyang Senate Bill 2026, ipinaliwanag ni Sotto na ginagamit ng sindikato ang probisyon sa RA 9344 of the Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na nag-aabsuwelto sa mga nasa edad 15- pababa.

Aniya, madalas itong gamitin sa korte kaya hindi napaparusahan ang mga batang sangkot sa krimen.

Tinukoy din ni Sotto ang Child Rights International Network, na nasa edad 11 ang madalas na sangkot sa krimen sa Asia at Africa habang sa Europa at Estados Unidos naman ay 13.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

“Due to the continuing challenge in the implementation of RA 9344, as amended, the aforesaid law must be further amended to lower the minimum age of criminal liability in order to adapt to the changing times.” pahayag ni Sotto.

Dagdag pa ni Sotto, magiging tugon din ang panukala sa intensiyon ng batas at maisasalba ang mga kabataan na sangkot sa krimen.

-Leonel M. Abasola