Nakumpleto ng 619 drug personalities ang anim na buwang rehabilitation program ng Valenzuela City government na may temang “Dapat sa Tama, Huwag sa Amats.”

Isinagawa kahapon ang graduation ceremony ng dating drug dependents sa Peoples Park, Valenzuela City. Nagmula ang 557 sa Community Wellness Program ng mga barangay sa lungsod sa ilalim ng Valenzuela Anti-Drug Abuse Council (VADAC), at 62 ang nanggaling sa Mega Drug Abuse Treatment Rehab sa Nueva Ecija.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, patuloy ang monitoring sa kanilang pagbabago.

-Orly L. Barcala
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter