Pinatatalsik sa puwesto ng negosyanteng si Cedric Lee at ng modelong si Deniece Cornejo ang hukom na naglabas ng hatol sa kanila kaugnay ng mga kasong isinampa ni Vhong Navarro.

Hiniling ng dalawa sa Office of Court Administrator ng Korte Suprema na matanggal si Judge Bernard Bernal, ng Taguig Municipal Trial Court Branch 74, dahil sa mali umanong paghatol sa kanila sa kasong grave coercion, na isinampa ni Vhong Navarro.

Matatandaang Hulyo 27, 2018 nang naglabas ng desisyon si Bernal at hinatulan na makulong ng anim na buwan hanggang tatlong taon ang dalawa, kasama ang isang Jed Fernandez.

Laman ng motion for reconsideration (MR) ng mga akusado ang pagpapaalis kay Bernal, na inakusahan nila ng wrong appreciation of facts, law and evidence, grave abuse of authority, at pagiging bias at pagkakaroon ng partiality.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Magugunitang kinasuhang ni Navarro sina Lee at Cornejo dahil sa ginawang pambubugbog sa kanya noong Enero 2014.

-Beth Camia