SA press visit namin sa taping ng GMA afternoon seryeng The Step Daughters in a far away bundok ng tralala in Antipolo City, inurirat nang husto ni Yours Truly si Mikael Daez tungkol sa kanilang dalawa ng long-time girlfriend niyang si 2013 Miss World Megan Young.

Megan at Mikael copy

Tinanong ni Yours Truly si Mikael kung ano ang feeling ng magkasama sila sa taping ng Step Daughters?“Masaya, siyempre. Kita n’yo naman yata sa mga Instagram photos namin. Masaya kaming dalawa. Walang kaming problema working together,” sabi ni Mikael. “’Yung iba yatang magdyowa, eh, nahihirapan yata or ayaw yata nila (magkasama sa trabaho), eh, kami hindi. Kahit off cam, masaya kami ni Megan.”

Eight years na ang relasyon nila ni Megan. Sakaling nagkatuluyan sila—na pinutol ni Mikael sa pagsasabing “nagkatuluyan na po kami”—bibigyan ba niya ng step daughter si Megan?“Hindi, ‘no. Hindi, ah. Hindi ko gagawin ‘yun. Dapat daughter, hindi step daughter.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Wala pa ba silang planong magpakasal?

“Wala pa. Kailan ko ba sinabi na kami na? Last year ko lang naman sinabi na kami na, eh. Ahh, bigyan pa natin ng a couple of more years tapos game na.”

Buti hindi sila nagkakaanak.

“Ha, ha, ha. Marami naman diyan ang hindi nagkakaanak. Maingat naman kami. Kayang kaya naman.”

Kaya nilang pigilan ang kanilang sarili?“Kayang-kaya namin. Ano lang, ‘pag magkasama kami ni Megan nagdadasal lang po kami. Like ‘Megan, come here, mag-wine tayo, tapos let’s pray’. Ganun,” natatawang biro ni Mikael.

Pero lagi silang magkasama abroad.

‘Ah, yun na nga ang problema ‘pag may work, wala kaming abroad vacay. Pero may mga naisisingit kami, like nakapag-Hong Kong kami for the weekend, two weeks ago. Saka alam ko nag-book kami for Iceland next year. ‘Yun ang parang malaking trip na inihahanda namin after nitong Step Daughters.”

Why Iceland?

“Ahh, maganda dun, eh. Pang-ano siya, eh, pang-(wedding) proposal. Pero wala naman akong sinasabing ganun gagawin ko, ha? Ha, ha, ha! But will see. Siguro next year pa.”

Ang pag-ibig daw ay walang kasiguraduhan, si Mikael ba ay sigurado na kay Megan?“Tama ka naman, in fairness. Ang pag-ibig talaga walang kasiguraduhan. Pero go lang nang go. Hindi mo dapat iniisip kung ano ‘yung puwedeng maling mangyari in the future. Enjoy lang ngayon.”

-MERCY LEJARDE