NAG-POST si Enchong Dee ng litratong magkasama sila ni Erich Gonzales sa Chateau de Versailles, Paris France para batiin ang aktres sa kanyang 28th birthday nitsong Huwebes.

Enchong at Erich

Sa litrato ay para talagang mag-dyowa ang dalawa, caption nga ni Enchong dito, “Maligayang Kaarawan Aking Mahal… ilang beses na tayo kinasal at ilang beses na ko pumanaw pero ang importante sa’yo pa rin ako sa katapusan. Masaya ko para sa’yo at sa tahimik mong buhay, isang mensahe lamang ako @erichgg ... labyu my crazy Erich Asian.”

Ang cute at galing sa puso ang mensaheng ito ni Enchong dahil alam naman ng lahat na naging magkaibigan sila simula nu’ng nagsama sila sa teleseryeng Katorse noong 2009.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sayang nga at hindi naging sila dahil marami rin naman ang boto kina Enchong at Erich. Tanda nga namin na kapag ini-interview namin silang magkahiwalay ay tinatanong namin kung bakit hindi na lang sila ang maging magkarelasyon. Ang ending, tatawanan lang kami.

Samantala, kasalukuyang wala sa bansa si Erich at ang sitsit ay magkasama sila ng rumored boyfriend niyang si Mateo Lorenzo para siguro ipagdiwang ang kaarawan ng aktres at makapamasyal na rin.

As of this writing ay wala kaming naririnig na may follow-up TV project si Erich pagkatapos ng Blood Sisters.