Napaulat na nakumpiskahan ng apat na pakete ng hinihinalang shabu ang dalawang lalaki matapos na sitahin sa kahina-hinala nilang ikinilos sa isang kalsada sa Taguig City, Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Leonardo Melo y Medina, at Mark Bobson Batain y Ressureccion, kapwa nasa hustong gulang, ng Barangay New Lower Bicutan.

Sa ulat ng Taguig City Police, nagsagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-2, sa pangunguna ni SPO1 Noel Legurpa, sa Roldan Street, Bgy. New Lower Bicutan, dakong 3:30 ng hapon.

Dahil sa kahina-hinalang ikinilos ng dalawang suspek sa lugar, sinita sila ng mga pulis at minalas na makumpiskahan ng apat na selyadong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.6 gramo, at kaagad silang inaresto.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Isasailalim sa inquest proceedings sa Taguig Prosecutor’s Office sina Melo at Batain para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

-Bella Gamotea