GINULAT ni Jerry Codinera ang mga tagahanga at kapwa coach sa NCAA nang magbitiw bilang coach ng Arellano Chiefs na kasalukuyang sadsad sa team standings ng men’s basketball championshop ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.

Pormal na kinumpirma ng school administration ang desisyon ni Codinera at pansamantalang itinalaga bilang kapalit ang assistant coach na si Junjie Ablan .

Wala namang opisyal na pahayag mula sa kampo ni Codinera.

Ginabayan ni Codinera ang Chiefs sa loob ng limang taon kung saan naitala niya ang career record na 52-31.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakuha ng PBA great ang trabaho mula kay Koy Banal na nagbitiw sa Chiefs noong Season 90. Nagawa nilang makausad sa Finals may tatlong taon na ang nakalilipas laban sa San Beda.

Sa pangunguna nina Jio Jalalon, Kent Salado at Lervin Flores, muling nadala ni Codinera sa championship ang Arellano, ngunit muling natalo sa San Beda.

Kasalukuyang nasa ika-anim na puwesto ang Arellano tangan ang 4-7 karta.