Ni Anne Abad

IPINAGKALOOB ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Maxey ang medalya sa podium winner, sa pangunguna ni gold medalist Nicole Marie del Rosario (gitna) sa Cycling at Duathlon event ng 2018 Batang Pinoy National Finals kahapon sa Baguio City. (PSC PHOTO)

IPINAGKALOOB ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Maxey ang medalya sa podium winner, sa pangunguna ni gold medalist Nicole Marie del Rosario (gitna) sa Cycling at Duathlon event ng 2018 Batang Pinoy National Finals kahapon sa Baguio City. (PSC PHOTO)

BAGUIO CITY – Agaw eksena ang dalawang mayuming dalagita mula sa Cebu Province sa Cycling at Duathlon events matapos na mag reyna sa kani-kanilang kategorya sa pagpapatuloy ng ikaapat na araw ng Batang Pinoy National Finals 2018 sa Baguio City National High School Athletic Bowl at Wright Park dito.

Makamit ni Nicole Marie del Rosario ang apat na ginto, habang naiuwi ni Jeanna Mariel Canete ang tatlong gintong medalya sa impresibong kampanya na nagbigay ng dangal sa kanilang lalawigan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naibulsa ni del Rosario ang kanyang apat na ginto buhat sa mga events na mass start, Individual Time Trial (ITT) at criterium sa cycling, gayundin ang duathlon 14-15 girls.

Nailista niya ang 10:43.11 sa mass start, habang tumapos siya ng 10:29 sa ITT, gayung dalawang laps naman ang kanyang nakumpleto sa criterium.

Hindi pa nasiyahan ang 15-anyos na si del Rosario nang kanya ding, sungkitin ang ginto sa duathlon sa kanyang 28.58 segundo.

“I feel really blessed po and happy. I just did my best because I wasn’t really sure about my competitors. The route was quite challenging because it’s uphill all the way,” pahayag ng Grade 9 student ng University of San Carlos na si del Rosario.

Si Canete naman ay nagbulsa ng tatlong ginto buhat sa road race, ITT at criterium girls 13-14.

“I really did not expect to win because there are a lot of good competitors during the race,” pahayag naman ng 13-anyos na si Canete.

Samantala, nag uwi din ng tatlong ginto ang pambato ng Dasmarinas City na si Jason Jabol matapos na manaig sa mga events na 100m, 4x100 at 200m habang nakakuha naman siya ng silver sa long jump.

Pangsiyam na sampung anak si Jabol na nais na maiahon ang pamilya sa kahirapan gayung siya lamang ang inaasahan ngayon ng kanyang amang may karamdaman na nasa Camarines Sur.

“Pangarap ko lang po mapabuti ang buhay ng mama at papa ko. Lalo na po si Papa kasi po may sakit po siya ngayon di po siya nakakapagtrabaho,” pahayag ng 16-anyos na si Jabol.

Sa weightlifting, ginto din ang naiuwi ng mga pambato ng Midsalip Zamboanga del Sur sa magkakahiwaly na category.

Sina Cindy Colonia at Ronalyn Tongcol Mabida ay nagwagi sa 32kg at 36 kg category ayon sa pagkakasunod.

Bumuhat si Colonia ng kabuuang 64kg kung saan naitala niya ang 28kg sa snatch at 36kg naman sa clean and jerk sa 32 kg category.

Ang kanyang kakampi na si Mabida naman ay bumuhat sa 36kg category kung saan nagtapos ng 91 kg sa kabuuan, 41kg sa snatch at 50kg sa clean and jerk.