Walang nakikitang dahilan ang Malacañang para i-pardon ni Pangulong Duterte si retired Army General Jovito Palparan, Jr., na pagkatapos ng 12 taon ay hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng Malolos Regional Trial Court kaugnay ng pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP) noong 2006.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malabong mangyari iyon dahil ang gobyerno ang nagpakulong kay Palparan, at titiyakin din ng gobyerno na mabibigyan ng katarungan ang mga nabiktima nito.

“Wala pong basehan ‘yan. Ang nagpakulong po kay Palparan ay gobyerno, at ang gobyerno rin ang magsisiguro na mabigyan ng katarungan iyong mga biktima,” ani Roque.

Si Palparan, kasama sina Lt. Col. Felipe Anotado at Staff Sgt. Edgardo Osorio, ay hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa pagkawala nina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan, na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Inatasan din ng korte ang tatlong akusado na magbayad ng tig-P100,000 civil indemnity at P200,000 para sa moral damages.

-Beth Camia