BAGUIO CITY – Isinantabi ng mga empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) ang sariling kaligtasan nang manalasa ang bagyong ‘Ompong’ dito upang mabigyan ng ayuda ang delegado na nauna nang dumating sa lungsod para sa Batang Pinoy National Finals 2018.

Mismong sina PSC chairman Butch Ramirez at Baguio City Mayor Atty. Mauricio Domogan ang siyang nagmonitor sa kalagayan ng mga atleta at opisyal sa kasagsagan ng bagyong Ompong.

A y o n k a y P S C P u b l i c Communication Office head Emmalyn Bamba, lahat ng tulong na kayang maipaabot ng PSC sa mga delegasyon ay kanilang ginawa upang maging maayos ang kanilang pananatili sa City of Pines.

“Every possible effort to ensure their safety, security and comfort of the participants were taken care of by the PSC and Baguio City government,” pahayag ni Bamba.

Mommy ni EJ Obiena, todo-suporta sa anak na pole vaulter: 'We're all here'

Kabilang sa mga tumulong para naman maging maayos ang pagtatanghal ng Batang Pinoy pati na ang coverage ng media ay buhat mismo sa tanggapan ni Mayor Domogan, pati na ang Philippine Information Office (PIO) sa pangunguna ni chief Aileen Refuerzo at kanyang assistant na si Gabby Keith.

Annie Abad