ANG pinakahihintay na Chess Circle Tatlohan 2000 and below Rapid Chess Championships ay tutulak sa Setyembre 23 sa 3rd floor, Alphaland Southgate Mall,Edsa Corner Chino Roces Avenue, Makati City.

Ang mga kalahok sa torneong ito ay masisilayan sa 7 round Swiss-System format, Rate of Play 20 minutes + 3 secs. delay kung saan ang nasabing event ay inaasahan ang paglahok ng Executives at Young Professionals sa torneo na sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), inaorganisa ng Chess Circle at En Passant Chess Association sa pakikipagtulungan ng Old Manila Gallery at SMDC-Samways sa pangunguna ni Sales Director Samivin de los Santos ng SMDC at ng Alphaland Corporation na pangangasiwaan ng Chess Arbiter Union of the Philippines.

Ayon kay Chess Circle President Leonardo “Nards” Jimenez ang required average rating para sa rapid team event ay 2000 base sa August 1, 2018 NCFP Rating list kung saan ang underated players ay bibigyan ng 1800 provisional rating.

Nakalaan sa winning team ang P23,000 at trophy habang ang next two winners ay magbubulsa ng tig P14,000 at P9,000 plus trophies, ayon sa pagkakasunod.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“All players are required to bring Valid ID.The tournament director reserves the right to deny entry to any team without any reason,” ayon sa organizing committee.

Para sa detalye,tumawag o mag-text kay Chess Circle President Leonardo “Nards” Jimenez sa kanyang mobile No. 0917-178-7870 para sa kumpletong detalye.