BUONG pagmamalaking ipinaglandakan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang napanalunang award ng unica hija nila ni Dingdong Dantes na si Maria Letizia or Zia, sa kanyang Instagram post.

Zia at Marian

Nag-post ng larawan si Marian na hawak ang certicate ni Zia at nakasaad dito na Best in Costume si baby Zia.

Caption ni Marian sa post: “Hard work and team effort paid off! Proud of you Z! #MasExcitedPaAkoKesaSaAnakKo #PagbigyanNyoNaAngNanay! #ParangAkoAngNagkaAward.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Napaka-comment naman ang kaibigan niya si Sheena Halili ng, “Mas masaya pa sa best actress award, saya-saya naman!”, na sinagot ni Marian ng,“Di ba! Iba pag anak na usapan! Lahat gagawin…”

Umani mahigit 215,522 likes ang naturang post.

Ang tinutukoy na team effort ni Marian ay nang ayusan niya si Zia na ala-Marilyn Monroe para sa anniversary ng kanilang school nitong Lunes. Si Marian ang stylist ng anak at feel na feel naman ni Zia ang peg niya for that day. Ang photographer naman ay si Dingdong.

Binati ang mag-asawa ng mga kaibigan nila sa showbiz gaya nina Boobay, Chynna Ortaleza, Kim Domingo, Celeste Tuviera at Joross Gamboa, na nagsabing gusto raw niyang maging future balae si Dingdong.

-NORA CALDERON