Hinihiling ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Nur Misuari sa Sandiganbayan Third Division na ibasura ang kanyang dalawang graft at dalawang malversation sa pamamagitan ng falsification charges dahil ang irregular transactions na inaakusa sa kanya ay nangyari sa termino ng kanyang kapalit.

Kinasuhan siya kaugnay sa diumano’y maanomalyang pagbili ng iba’t ibang educational packages at materials mula 2000 hanggang 2001.

Nakasaad sa omnibus motion to dismiss and defer arraignment ni Misuari na batay sa mga record mula sa Department of Budget and Management (DBM), ang payments para sa irregular transactions ay isinagawa sa panahon ni Governor Parouk Hussein, mula Setyembre 30, 2002 hanggang Setyembre 30, 2005.

-Czarina Nicole O. Ong
Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang