Iniulat kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pilipino ang nasugatan at 41 ang sinagip sa pananalasa ng Bagyong Mangkhut sa Hong Kong nitong Linggo.

Sinabi ni Consul General Antonio Morales na isang turistang Pinoy ang inoperahan sa binti matapos tamaan ng nagliliparang debris. Isa pang Pinoy ang nasugatan din ng mga bumabagsak na debris ngunit hindi na nagpaospital.

Inayudahan ng Consulate General ang 36 na miyembro ng isang Filipino tour group, na na-stranded nang mabasag ang windshield ng bus na magdadala sana sa kanila sa airport dahil sa napakalakas na hangin.

Isang bus ang ipinadala para sagipin ang grupo at ibinalik sila sa hotel.

National

‘We are not at war!’ PH, ‘di magpapadala ng Navy warships sa WPS matapos China aggression – PBBM

Lima namang manggagawang Pinoy ng isang dive resort development ang sinagip din ng mga awtoridad ng Hong Kong.

Patuloy na mino-monitor ng DFA, kasama ang Consulate General, ang sitwasyon sa Hong Kong, kung saan tinatayang 227,000 Pinoy ang kasalukuyang naninirahan o nagtatrabaho.

PNA