BINUKSAN na kahapon ang ABS-CBN Studio Experience sa Ayala TriNoma mall sa Quezon City.
Madalas kaming mapunta sa ABS-CBN para dumalo ng mga presscon at napapadaaan din kami sa mga studio ng network, pero hindi naman namin masyadong nabibigyan ng pansin ang mga ito dahil lagi kaming naghahabol ng deadline.
Kaya naman nagulat kami na iba pala ang experience, Ateng Jet, kapag nasa loob ka na ng 1,400 square meters studio sa TriNoma dahil ang dami-dami palang dapat makita.
At dahil late kami dumating sa event nitong Biyernes kaya kinulang na kami sa oras para ma-experience ang lahat ng nasa ABS-CBN Studio. Tanging ang “Pinoy Big Brother Breakout” housemates na lang ang inabot namin, at nahirapan kaming gawin ang task na kailangang ipasa para opisyal na maging Pinoy Big Brother housemate. Sa tingin namin ay wala yatang pumasa sa mga inimbitang entertainment, lifestyle, online writers at bloggers.
Natuwa naman kami sa “ASAP 4D” dahil nakatulong ang pagyugyog ng upuan para magising kami, dahil medyo sleepy na kami nun. Higit sa lahat, medyo nagulat kami nang nabasa ng water droplets. Naalaala tuloy namin ang Universal Studios na may ganitong drama rin.
Ang dami palang dapat ma-experience sa loob, tulad ng maging contestant sa The Voice at pasukin ang directors’ booth ng It’s Showtime. Puwede ring sumalang sa fast talk ng Tonight With Boy Abunda, bilang manlalaro at maging Last Man Standing sa Minute to Win It, at makipagbuno sa “Bagani”, “Misyon: Ang Probinsyano”, at “Ang Propesiya: La Luna Sangre.
Ang kuwento ni Ms Cookie Bartolome, ABS-CBN Themed Experiences Inc. head, na bumuo ng concept nito, nahahati ang bagong Studio XP sa tatlong bahagi—ang Retail, Fantasy, at Retail—na mayroong 15 attractions at full scale set reconstructions na binuo para i-level-up ang ibibigay na Kapamilya experience ng ABS-CBN sa iisang lugar.
Nasa P375 lang ang entrance fee, at target ng ABS-CBN ang mga eskuwelahan, o mga field trip, para sa mga estudyante na gustong ma-experience ang loob ng studios ng ABS-CBN.
Pabor naman kami kung sa Studio XP gagawin ang field trip, dahil mas safe ito kung tutuusin dahil indoor activity, kaysa bumiyahe sa malalayong lugar.
Sigurado kaming mag-e-enjoy ang mga bata sa ARX o augmented reality game at sa Superheroes Playground, kumpleto sa souvenirs mula sa #Starsnaps photo booth at Star Catcher.
At para mabuo ang natatanging Kapamilya experience, dapat subukan ang Heroes Burger, tampok ang mga karakter nina Darna, Captain Barbell, at Lastikman.
Sundan ang ABS-CBN Studio Experience sa Facebook, Twitter at Instagram (@abscbnstudioxp) o bisitahin ang studioexperience.abs-cbn.com para alamin ang available shift schedule at makabili ng tickets online.
-Reggee Bonoan