NAG-LOOK test na sina Sharon Cuneta, Richard Gomez, at Kathryn Bernardo para sa pelikulang gagawin nila sa Star Cinema titled Three Words to Forever.

Kathryn, Richard at Sharon copy

Nag-post si Sharon ng ilang pictures na kuha sa look test. Kahit walang masyadong sinabi sa caption si Megastar, natuwa ang fans nila ni Richard.

Si Cathy Garcia-Molina ang direktor ng reunion movie nina Sharon at Richard, na may November playdate kahit hindi pa nagsisimula ang shooting.

Excited na ang fans ng dalawa na malaman ang kani-kanilang role. Gusto ring malaman ng fans ni Kathryn kung ano ang role niya sa movie nina Sharon at Richard.

Sey ni Ogie Diaz: Sen. Rodante Marcoleta, takot sa kudeta

Ang Three Words to Forever ang next movie ni Kathryn after ng box office super hit na The Hows Of Us nila ni Daniel Padilla

-NITZ MIRALLES