ANG first Bicol international chess tournament na inorganisa ng D’Plaza Chess Association of the Philippines ay tutulak sa Disyembre 7-13 sa Albay.
Ang Albay din ang home province ni WGM Janelle Mae Frayna, ang Philippines’ first woman chess grandmaster
Ito ang isiniwalat ni Ricardo Martin, managing director ng D’Plaza na kinumpirma naman nina US-based directors Arcade Sampang at Carmelito Mejia.
Bukas ang nasabing torneo sa lahat ng unrated at titled o rated players ng FIDE, ang world’s governing body ng chess.
Ipapatupad ang Time control 90 minutes, 30 seconds increment na 9 rounds Swiss format. May rapid side event, 15 mins, 10 secs increment ang isasagawa din pagkatapos ng standard event.
May guaranteed prize na US$2,200 (Php110,000) batay sa 150 participants na nilatag ng organizers.
Naimbitahan si chess star Arcade Sampang na narito sa Manila para sa short vacation na nagsabing personal niyang iimbitahan si Asia’s first grandmaster Eugene Torre at arch rival GM Joey Antonio para manguna sa pagbubukas ng nasabing event at makapag provide ng tough local opposition kontra sa foreign entries mula Malaysia, Singapore, Australia, New Zealand, China at iba pang bansa .