Apektado sa planong pagpapaliban sa UP College Admission Test (UPCAT) ang University of the Philippines Mindanao campus (UPMin) ngayong weekend.
Sinabi ni UPMin Chancellor Sylvia Concepcion sa Balita na nagdesisyon ang UP Office Admissions na ipagpaliban ang araw ng pagsusulit dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.
Habang isinusulat ito, hindi pa nagbibigay ng impormasyon ang UP sa bagong petsa ng eksaminasyon.
“This decision is based on consultation with UP System officials and weather experts on the latest forecasts on Typhoon Ompong and its expected impact on Northern Luzon and the Eastern Seaboard including Western Visayas, and in consideration of the nationwide scope of the exam that entails synchronized travel arrangements among others which pose undue risks to both UPCAT examinees and UPCAT personnel,” pahayag ng UP Vice President for Public Affairs.
Ihahayag ng UP sa mga susunod na araw ang instructions sa lahat ng examinees.
-Yas D. Ocampo