Nangangamba ang isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na maaantala ang pag-iimprenta ng mga balota para sa mid-term elections sa Mayo 13, 2019 kapag ipagpaliban ang paghahain ng Certificate of Candidacy (CoC).

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, itinakda nila ang CoC filing sa unang bahagi ng Oktubre upang magkaroon ng sapat na panahon para salain ang mga nuisance candidates, o mga panggulong kandidato, makapag-imprenta ng mga balota, at mai-deliver ang mga ito sa buong bansa.

Aniya, sakaling maantala ang CoC filing ay tiyak na mababago rin ang schedule ng mga naturang aktibidad para sa halalan.

“Definitely malaking epekto niyan kasi uurong lahat ng activities. Parang domino ‘yan, eh, ‘pag itinumba mo ‘yung isa, tumba lahat,” sinabi ni Jimenez sa panayam sa radyo.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

“By the end of the year masasara na natin dapat ang balota. Ibig sabihin wala nang changes. Pero ‘pag inurong natin ‘yan... baka Enero na, nag-iimprenta pa tayo,” paliwanag pa ni Jimenez.

-Mary Ann Santiago