BINOKYA ng San Beda ang Letran, 3-0, para makopo ang ikaanim na sunod na kampeonato sa women’s division, habang kumabig ang College of St. Benilde sa Letran, 3-1, para makumpleto ang five-peat feat sa table tennis event ng 94th NCAA kahapon sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Manila.

Ginapi nina Ronela Magcale at Kryslyn Manez ang karibal na sina Rica Enriquez at Hannah Tayad, 11-8, 12-10, 11-2, sa doubles event para mawalis ng Red Paddlers ng Lady Knights at panatilin ang sominasyon sa liga sa ikaanin na sunod na season.

Nagwagi si Abbie Nuevo kay Trixie Catapang, 11-3, 11-8, 11-7, habang pinabagsak ni Angel Sanchez si Kristiana Lim, 11-4, 10-12, 11-3, 11-7, sa singles matche.

Tinanghal na MVP si Sanchez.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Para sa Blazers, ang graduating na si Ryan Jacolo ang nagsilbing huling pako sa pagtatag ng kampanya nang walisin si John William Managos, 11-6, 11-7, 11-9.

Naunang nagapi ni Jacolosi John Pansacula, 8-11, 11-5, 11-8, 11-4 sa first singles, ngunit nakabawi ang Letran sa ikalawang single match nang gapiin ni Managos si James Sy, 11-4, 11-3, 10-12, 11-6.

Nanindigan ang tambalan nina Joshua Padilla at Martie del Rosario kontra kina Olsehn Obal at Benjiecer Lim, 15-13, 11-8, 11-7, sa doubles para sa 2-1 panalo ng Letran, ngunit nababangon ang Benilde sa sumunod na laro.

Sa juniors’ action, nagwagi ang Letran sa San Beda, 3-1. Tinanghal na MVP si Matt Andrew Ramos.