GUMAWA ng munting pangalan si Kayla Rivera nang sumali siya sa Star Power ng Kapamilya noong 2010. Sa ngayon, napanood na siya sa mga musicals, tulad ng Adams Family at Carrie.
Taong 2014 nang bigla siyang umalis sa Pilipinas patungong Canada, at ang dahilan umano ay broken hearted siya sa break-up nila noon ni Tom Rodriguez, isang bagay na ayaw na niyang pag-usapan pa.
Isang offer mula sa Atlantis Company para lumabas sa musical play na Sideshow ang dahilan ng pagbabalik ni Kayla. It is about freaks at conjoined twins sila ni Gab Pangilinan, na simula sa pagkabata ay musically inclined. ‘Di naglaon ay hinangaan at sumikat ang kambal.
Kasama rin sa cast si Wency Cornejo.
Buong buwan ng September mapapanood ang Sideshow sa RCBC Theater sa Makati.
-Remy Umerez