Sinibak ang hepe ng Ronda Municipal Police at anim nitong tauhan kaugnay ng pagpatay nitong Miyerkules kay Ronda, Cebu Mayor Mariano Blanco III.

Tinanggal ni Police Regional Office (PRO)-7 director, Chief Supt. Debold Sinas bilang hepe ng Ronda Police si Senior Insp. JR Palcon, at anim nitong tauhan.

“The chief of police and everyone on duty that time will be placed under investigation. The relief is not about the late response of the police. The aim of the relief is to get their statements about the incident,” sabi ni Sinas.

Samantala, bilang bahagi ng imbestigasyon sa pagpatay sa alkalde ay nagpulong ang Cebu Police Provincial Office (CPPO) at ang special investigation task group sa loob ng Municipal Hall.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa inisyal na ulat, pulitika ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa pamamaslang sa alkalde.

-Fer Taboy