MARAMI ang sumusubaybay sa Kapuso teleseryeng Kapag Nahati Ang Puso, hindi lang dahil a maintrigang istorya nito, kundi upang abangan ang paglabas doon ni Benjamin Alves.

Benjamin copy

Ang well-chiseled na katawan ng binata ang pinapantasya ng maraming babae, lalo na dahil lagi siyang nakahubad sa mga eksena niya sa serye. Mistulang isang sex object ang turing ngayon ng marami sa boyfriend ni Julie Anne San Jose.

Sa kuwento, kapwa nagkagusto kay Joaquin (Benjamin) ang mag-inang Miranda (Sunshine Cruz) at Claire (Bea Binene). Dagdag rekado pa sa morning serye ang rivalry sa pagitan nina Sunshine at Bing Loyzaga, na mauuwi sa matinding away.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dahil sa role niya sa Kapag Nahati ang Puso ay kinailangang mag-gym si Benjamin, at happy naman siya sa resulta.

“I worked hard to achieve this kind of body, and happy ako that the viewers appreciate it,” sabi pa ni Benjamin.

-Remy Umerez