HINDI nakatiis si Sharon Cuneta at sinagot ang basher niyang nag-comment ng “Orocan at its finest” sa post niya na nagpapasalamat kay Kris Aquino sa ipinadala nitong balloon sa kanila ni Sen. Kiko Pangilinan.

Sharon

Sagot ni Sharon, “Haters and bullies will be blocked. More less hate? This is what your profile says. And yet you seem to encourage the OPPOSITE (not the LATTER) of what your profile says you believe in by implying plastic kami to each other? Please be kind. We haven’t done anything to you to deserve that.”

Ganu’ng message rin ang ipinaabot ni Sharon sa isa pang netizen na sumali kina Sharon at sa basher nito. Winner ang comment ni Sharon na “sending you the same message I sent (pangalan ng basher). Be kind please.”

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Sa nagtanong kung bakit “Beej” ang tawag ni Sharon kay Kris, isang follower ang sumagot na ang Beej ay galing sa “baby girl”.

Samatala, nagsimula na ang band rehearsal si Sharon para sa kanyang My 40 Years Sharon concert sa Smart Araneta Coliseum sa September 28. Hindi pa sinasabi kung may guests si Sharon sa kanyang concert at kung sino ang mga guest niya.

-NITZ MIRALLES