PAREHONG ipinost nina Janine Gutierrez at Enchong Dee ang script ng pelikulang pagtatambalan nila sa Regal Entertainment, ang Elise. Sa nabasa namin, sina Miko Livelo at Joel Ferrer ang mga direktor ng pelikula na unang sasabak sa mainstream movie dahil puro indie films ang ginawa nito.

Janine at Enchong

Walang dapat ikabahala ang fans nina Janine at boyfriend nitong si Rayver Cruz dahil magkaibigan sina Rayver at Enchong at kahit noon pang wala pang pelikula sina Janine at Enchong, magkakilala na sila dahil kay Rayver.

Isasabay ni Janine sa taping ng Victor Magtanggol ang shooting ng movie nila ni Enchong na siya ang title role. Hindi pa iniaanunsiyo ang ibang makakasama nila sa Elise.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Samantala, halo-halo ang reaction ng viewers ng Victor Magtanggol sa role at sa karakter ni Janine bilang si Gwen Regalado na gusto ni Victor (Alden Richards), pero si Hammerman naman ang gusto ni Gwen. May mga viewers na like si Gwen pero may mga galit din sa kanya.

Si Gwen (Janine) ang sinisisi kung bakit napahamak si Hammerman dahil dumating ang superhero sa imbitasyon ni Gwen, na ideya ng ama nito. Pati pala writers at si

Direk Dominic Zapata nasisisi na rin sa nangyari kay Hammerman.

-Nitz Miralles