Isang malawakang anti-martial law protest ang isasagawa ng ilang grupo sa Setyembre 21, ang mismong anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, may 46 na taon na ang nakakalipas.

Ayon kay Nardy Sabino, tagapagsalita ng church group na Promotion of Church Peoples Response (PCPR), layunin ng pagkilos na manindigan para sa pag-iral ng demokrasya ng Pilipinas.

Nais rin umano nilang maipakita ang sentimiyento ng mga Pinoy para sa kalayaan ng bansa laban sa anila’y iba’t ibang banta ng diktadurya sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Kasabay nito, hinikayat ni Sabino ang lahat na makiisa sa naturang pagkilos, na magsisimula sa misa bago magtitipun-tipon sa Luneta, ganap na 4:00 ng hapon.

National

VP Sara, nag-react sa impeachment complaints laban sa kaniya: ‘Finally, na-file na!’

-Mary Ann Santiago