GINAPI ni Samar-born Ar Ar Andales (7-0, 1 KO) si Jonathan Almacen (4-2-2, 1 KO) via majority decision sa main event ng ‘Bakbakan sa Molino Part 8’ at makopo ang bakanteng LUZPROBA Minimumweight title nitong Linggo sa Quibors Boxing Gym, Molino III, Bacoor, Cavite.

NAGBUNYI ang mga tagahanga at tagasuporta ni Andales nang makamit ang korona sa ‘Bakbakan sa Molino’ nitong Linggo sa Cavite. (Rafael Bandayrel)

NAGBUNYI ang mga tagahanga at tagasuporta ni Andales nang makamit ang korona sa ‘Bakbakan sa Molino’ nitong Linggo sa Cavite. (Rafael Bandayrel)

Nakuha ni Andalaes ang iskor na 77-75 at 78-74, habang ang ikatlong hurado at nagbigay ng 76-76 iskor.

Maagang nakuha ni Andales tempo ng laban at agresibo sa pagpapakawala ng kombinasyon sa mukha at katawan ni Almacen. Kahit na nakakabawi ang karibal, patuloy ang atake ng Waray fighter para makuha ang pabor sa mga hurado.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa co-main event, nagwagi si Cebuano 105-pounder Ariston Aton (7-0, 4 KO) kay Rizaleño Jestoni Racoma (2-5-2) via unanimous decision sa kanilang eight-rounder match.

Sa Iba pang laban, nagwagi si Francis Diaz kontra Alvin Defeo via 4th round TKO; naitala ni Rostom Doronio ang mabilis na first round TKO kontra Kenneth Neron at nauwi sa tabla ang duwelo nina Ron Mitra at Mark Jequinto.

-Rafael Bandayrel