SA bagong television viewers measurement data ng Kantar Media, patuloy na nanguna nitong Agosto ang ABS-CBN shows. Nagtala ang Dos ng 44% average audience share, lamang ng 12 points sa GMA-7.

Winner ang ABS-CBN sa urban at sa rural homes, partikular sa Metro Manila na mayroon itong average audience share na 41%, laban sa 28% ng GMA. Nanguna rin ang Kapamilya Network sa Total Luzon sa nairehistrong 40%, kumpara sa 36% ng GMA; sa Total Visayas sa naitalang 51% kontra sa 26% ng GMA; at Total Mindanao sa 52% versus 26% ng GMA.

Hindi natitinag ang FPJ’s Ang Probinsyano (41.7%) bilang nangungunang TV show sa bansa, pangalawa ang Your Face Sounds Familiar Kids (34.8%).

Kasama sa top ten most watched programs ang TV Patrol (31.2%), ang bagong primetime seryeng Ngayon at Kailanman (29.9%), Bagani (29.6%), MMK (28.4%), Wansapanataym (25.7%), Home Sweetie Home (24.9%), at The Blood Sisters (21.6%).

'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin

Sa naitalang 48% average audience share, nangunguna rin ang Dos sa lahat ng timeblocks, lamang ng 16 na puntos laban sa 32% ng GMA.

Winner din ang Kapamilya Network sa morning block (6 AM to 12 NN) sa naitalang 41% kontra sa 32% ng GMA; sa noontime block (12 NN to 3 PM) sa ratings na 43% kontra sa 33% ng GMA; at sa afternoon block (3 PM to 6PM) sa nakamit na 43% versus 36% ng GMA.

-DINDO M. BALARES