TARLAC CITY – Naaresto ng pulisya ang isang mag-asawang ilegal umanong nagbebenta ng mga produkto ng isang telecommunication company sa Tarlac City, kamakailan.

Ang dalawang suspek ay kinilala ni PO3 Benedict Soluta na sina Patricia Ann Buniag, 26; at Edwin Buniag, 26, parehong taga-Sitio Paroba II, Barangay Tibag, Tarlac City.

Inaresto ang mag-asawa batay na rin sa reklamo ni Jeumar Mendoza, 30, kinatawan ng isang telecommunication company (telco).

Nagsuplong sa pulisya si Mendoza dahil sa ilegal umanong pagbebenta ng mag-asawa sa mga produkto ng kanilang kumpanya.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Nahuli lang ang mag-asawa nang magsagawa ng entrapment operation ang pulisya nang bentahan nila ng P20,000 halaga ng LTE modem ang mga pulis, sa isang fast food chain sa Bgy. San Roque, Tarlac City.

Ayon sa pulisya, ang nasabing produkto ay nakatutulong upang mapalakas ang WiFi connections ng mga gumagamit nito.

-Leandro Alborote