HATINGGABI ng Lunes nang ipinost ni Sharon Cuneta sa kanyang Facebook page ang smiley yellow at pink balloons na ipinadala sa kanya at sa asawang si Kiko Pangilinan, mula kay Kris Aquino habang nasa ibang bansa kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Kris at Sharon

“Thank you, thanks, at thanks a bunch” ang mga nakasulat sa mga lobong kulay yellow at pink para patungkol kay Sharon, dahil sa pagtatanggol nito kay Kris sa mga nangmamaliit sa pelikulang Crazy Rich Asians.

Iba’t ibang kulay ng lobo naman na may nakasulat na “happy birthday” ang para kay Senator Kiko Pangilinan na nagdiwang ng kaarawan niya nitong Agosto 24.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Caption ni Sharon sa mga padalang lobo ni Kris bukod pa sa card na may dedication, “Yesterday Kiko and I each received a huge balloon arrangement from Kris. They and especially her message made our day! I didn’t even know she was still in Hawaii but it’s just like Kris to not delay anything, especially if it is to show those she cares about how special they are to her. Thank you, Beej! And you are most welcome. Make the most of your vacation and rest well, because there is like a ton of blessings waiting for your attention when you come home! Lots of love always!!! Ate S. and Kiks.”

Sa 19 comments (as of 2:20AM Tuesday) ay pinuri ng lahat ng followers ni Sharon si Kris at halos iisa ang sinabi, “good example, sincere, grateful and sweet” daw ang naging gawi ni Kris habang limang beses namang na-share ang post at umabot naman ito sa 4,066 likes at 74 comments sa Instagram.

Samantala, sinilip namin ang IG account ni Kris pero wala pa rin siyang bagong post habang isinusulat namin ang balitang ito.

Going back to Megastar ay excited na ang lahat ng supporters niya sa nalalapit na My 40 Years Sharon concert na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa September 28.

-REGGEE BONOAN