Patay ang isang drug suspect nang mabaril ng awtoridad matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Taytay, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si alyas Egay, nasa hustong gulang, at residente ng Barangay Sta. Ana, Taytay.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (RPPO), nagkasa ng buy-bust operation ang Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng Provincial Regional Office (PRO)- 4A laban sa suspek sa Sitio Kalikuan, Bgy. Sta. Ana, dakong 7:00 ng gabi.

Isang pulis ang nagsilbing poseur-buyer, ngunit nang magkaabutan ng ilegal na droga at marked money ay nakahalata umano ang suspek na pulis ang kanyang katransaksiyon.

Doc Willie Ong, na-touch sa mensahe ni VP Sara sa kaniya

Bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan umano ang pulis, na nakaiwas at gumanti at tuluyang bumulagta ang suspek.

Narekober kay Egay ang isang .9mm na pistol; isang pakete ng umano’y shabu, na may timbang na 25 gramo at nagkakahalaga ng P365,000; gayundin ang P1,000 marked money.

-Mary Ann Santiago