HABANG tinitipa namin ang balitang ito, 20 hours ago ay binasa namin ang 367 comments sa video post ni Kris Aquino sa Instagram, kung saan mapapanood ang magagandang porma ng mga ulap sa langit na nagsasabing maganda ang panahon. Kakikitaan din ito ng mga puno sa tabi ng malinaw na tubig ng dagat na tila nag-aanyayang magtampisaw at maligo.

Kris copy

Sabi ni Kris sa caption, “Got a chance to start again. I was born for this, born for this. It’s who I am, how could I forget? I made it through the darkest part of the night. And now I see the sunrise. Now I feel glorious, glorious...” (In our #happyplace for health & wellness... Embracing SERENITY & PEACE.)”

Ang galing ng followers ni Kris dahil alam na kaagad nila kung nasaang lugar o bansa ang Queen of Online World and Social Media at iisa ang sinasabi sa kanya na sana’y magpagaling na siya.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Kaso marami pa ring haters o bashers na nanggugulo sa pananahimik ni Kris pero ipinagtatanggol naman siya ng supporters niya at payo nila, dedmahin nalang niya.

Mukhang dedma nga si Kris dahil wala siyang sinagot ni isa sa kanila. Ika nga niya, “The world is quiet here.”

-Reggee Bonoan