KILALA bilang si Datu Agong, Prince of Manobo Agusanon Tribe, si Aljun Cayawan, ang unang katutubong product endorser.

Aljun Cayawan

“I am very grateful at life-changing experience sa akin to be, I think, ang first Manobo to be entrusted na maging product endorser,“ sabi ni Aljun sa press launch, kasama ang host na si Myrtle Sarrosa at si Ms. Aileen Go, Megasoft Vice President for Sales and Marketing.

“Pero gusto ko po lamang linawin na I am a prince of responsibility and not a prince of wealth. Ibinigay po lamang ni lola ko ang title to serve the tribe,” sabi ni Aljun, bagong brand ambassador ng Megasoft Hygenic Products, Inc.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Pinagsikapang abutin ni Aljun ang kinalalagyan niya ngayon dahil two months pa lamang siya nang maghiwalay ang parents niya at naiwan siya sa pangangalaga ng lola niya, si Bae Agong, lider ng kanilang tribu sa Sibagat, Agusan.

Natandaan ni Aljun na para makapasok sa eskuwelahan, tinatawid niya ang dalawang ilog, at para kumita ay sumasali siya sa mga singing contest, na ang premyong cash at bigas ay ginagamit nila ng kanyang lola.

Sinikap ni Aljun na maging iskolar at sumasali siya sa mga school competitions. Athletic scholar din siya as a swimmer at minsang sumali siya sa isang singing competition sa kanilang business foundation, ang awiting You Raise Me Up ang nagpanalo sa kanya ng scholarship para makapasok ng vocational course in Computer Secretarial na itinuloy niya sa Business Administration. Presidente rin siya ng school chorale.

Pero dumanas din si Aljun ng pangungutya, dahil may ilang nagsabi na walang mararating ang isang Manobong tulad niya. Pero ipinangako niya sa sarili na magtatagumpay siya dahil isa siyang Manobo.

Nag-join din siya ng Mr. Philippines pageant at nakipag-compete sa 2018 World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa Long Beach, California, na nanalo siyang division champion.

Willing din si Aljun na i-try ang showbiz kung magkakaroon ng pagkakataon, pero magsisimula muna siya sa pagpe-perform sa 2018 Megasoft School is Cool Tour kasama ang mga kapwa niya Megasoft endorsers na sina Myrtle, Kyle Santiago, at Young JV Kapunan.

Sa October 9 ay nasa Oroquieta City, Misamis Occidental si Aljun bago ang kanilang school tour.

-Nora V. Calderon