Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na inaprubahan na ng National Police Commission (Napolcom) ang pagha-hire ng mga bagong pulis.

Ayon sa PNP, pumayag na ang Napolcom na mag-recruit ng 17,925 na Police Officer 1 (PO1).

Inaprubahan ni Napolcom Vice Chairman at Executive Officer Atty. Rogelio T. Casurao ang pagkuha sa serbisyo ng 10,000 sibilyan para sa regular recruitment quota, at 7,925 para sa bagong police officer para sa attrition recruitment quota sa 2018.

Ayon sa Napolcom, ang mga bagong appointed na PO1 ay sasailalim sa Public Safety Basic Recruitment Course at field training program. - Fer Taboy

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter