MAGANDANG malaman na for a change ay nagkasundo sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa iisang bagay—at ito ay para sa anak nilang si KC Concepcion. Mababasa ang comment nina Sharon at Gabby sa feed ni KC sa Instagram (IG) tungkol sa huli at sa French boyfriend na si Pierre-Emmanuel Plassart.

KC & Pierre

Kapwa nag-comment sina Gabby at Sharon sa ipinost ni KC na picture nila ni Pierre habang nasa Paris ang dalaga. Pinabiyahe si KC ng BF sa Paris para magkasama sila sa birthday nito.

Comment ni Sharon: “Crying coz am so happy for you...Happy Birthday to my dear Pierre! I love you my Tutti.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Comment naman ni Gabby: “In love baby ko”.

Ang maganda pa, kasunod ng nasabing comment ni Gabby ang kay Sen. Kiko Pangilinan: “Godspeed! Love will withstand all, will conquer all.”

Pati ang half sister ni KC na si Cloie Syquia ay nag-comment din para sa kapatid: “Cuuuute Happy Birthday.”

Oh, ‘di ba, maganda na lahat ay nagkakasundo?

Wala pang update si KC mula nang i-post ang nasabing birthday greetings para sa BF, na talaga namang kinakiligan ng followers ng aktres, matapos niyang ilarawan si Pierre bilang “the truest gentleman I know”.

-NITZ MIRALLES