PALEMBANG – Hindi nakaalpas sa labis na init si Kim Mangrobang sapat para matapos sa ikapitong puwesto sa women’s triathlon competition sa 18th Asian Games sa Jakabaring Sport City Shooting Range.

Nasa ikatlong puwesto matapos ang 40-km bike race, ikalawa sa swim-bike-run contest, cond leg, hindi na kinaya ni Mangrobang na makipagsabayan sa running event para magtapos sa dalawang oras, limang minuto at 20 segundo.

Nasa No.9 naman si Filipino-American Kim Kilgroe (2:06.57) sa event na pinagwagihan nina Japanese top pick Yuko Takahashi (1:59.29), China’s Zhong Menying (2:01.16) at Macau’s Hoi Long (2:01.28).

“Masayang-masaya na rin po ako sa naging resulta ng laro ko. Nag-training kami ng mahirap para dito pareho ng mga kalaban. Lahat nag-handa. Pakiramdam na lang kung sino ang mas maganda na lang sa araw ng laro,” pahayag ni Mangrobang, 2015 Southeast Asian Games triathlon queen.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?