THROWBACK feelings ang hatid nina Ronnie Henares at Jojit Paredes sa kanilang pagbabalik-entablado sa Twofus...Reunion of Friends concert, na gaganapin sa The Theater at Solaire sa Setyembre 1, ganap na 8:00 ng gabi.

Ronnie at Jojit copy

Sumikat ang dalawa sa noong 70’s dahil sa kanila at kasama sa kanilang repertoire ang mga kantang sumikat noong ‘70s.

Idagdag pa na ang guests sa concert ay sina Jim Paredes at Boboy Garovillo ng APO, Aldeguer Sisters at Mitch Valdes, na kasabay nilang sumikat.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Maganda ang history nina Ronnie at Jojit dahil bata pa lamang ay magkakilala na sila, at naging magkaibigan hanggang kolehiyo.

Hindi naman malilimutan na minsan ay naging magkaribal ang magkaibigan kay Cong. Vilma Santos-Recto. In fairness, hindi naging dahilan si Vilma para masira ang friendship ng dalawa.

Ang Solaire Resort & Casino, Primeline Management at University of Perpetual Help ang presenters ng Twofus...Reunion of Friends. Ito ay isinulat at ididirehe ni Floy Quintos habang ang musical director ay si Roy del Valle.

-Nitz Miralles